Martes, Enero 22, 2013

Ibong Adarna .. :))

MGA MATATALINHAGANG SALITA KUNG SAAN MAKIKITA SA KWENTONG IBONG ADARNA



Saknong: 1 hanggang 138


SALITA: lintik 

KAHULUGAN: isang kislap dagitab mula sa alapaap hanggang sa lupa:babala ng kulog :isang tungayaw.

PANGUNGUSAP:Ang aking mga kagamitan kapag nalaglag  ay parang isang lintik.

SAKNONG: 26


SALITA: pata

KAHULUGAN: lata , pagod , panlalambot 

PANGUNGUSAP: Kahit anonng pata na ng aking ama ay dahan-dahan parin niyang ipinagpapatuloy ang kanyang gawain.

SAKNONG:  50


SALITA:  tumalima 

KAHULUGAN: sumunod sa utos, tumupad sa tungkulin 

PANGUNGUSAP: Ang aking ina'y mayroong iniutos sa aking kapatid at agad naman siyang tumalima sa gawain.

SAKNONG:  47 



SALITA: bantog

KAHULUGAN: tanyag, balita, pamoso, kilala

PANGUNGUSAP: Ang lalake na nakita mula sa dagat ay bantog sa mga nakakita.

SAKNONG: 39



SALITA: hungkag

KAHULUGAN: walang laman, humpak, hupyak

PANGUNGUSAP: Ang tiyan ng bata ay hungkag na dahil sa gutom.

SAKNONG: 20


saknong: 139 hanggang 274


SALITA: kapara

KAHULUGAN: kawangis,  katulad, kauri, halintulad

PANGUNGUSAP: Ang aking pinsan at kapatid ay sinasabing magkapara sila ng hilig.

SAKNONG: 211



SALITA: dayap

KAHULUGAN: isang uri,ng prutas na maasim at makapal ang balat.

PANGUNGUSAP: Isa sa mga puno sa aming baranggay ay marami kung mamunga ng dayap.

SAKNONG: 192


SALITA: dampa

KAHULUGAN: baroung- baro, kubo, kubakob, bahay na munti

PANGUNGUSAP: Ang aming tinutuluyan sa aming probinsya ay isang dampa kung saan payapa kaming namumuhay.

SAKNONG: 168


SALITA: matitimyas/matimyas

KAHULUGAN: matapat, wagas, dalisay

PANGUNGUSAP: Si ina'y ay nagbitaw ng mga matitimyas na salita ng kausapin niya at paunawain ang aking kapatid sa kanyang problema.

SAKNONG: 223


SALITA: hangga

KAHULUGAN: dulo, resulta, wakas

PANGUNGUSAP: Hanggang sa hangga ng aking buhay ipaglalaban ko ang bansang Pilipinas.

SAKNONG: 185

3 komento: